Celeste
1 min readMay 30, 2024
Taken by Cyelia Iris (May 26, 2024)

Minsan iniisip ko kung ako ba talaga ang problema. Kung ako ba talaga ang may kasalanan — pero naalala kong hindi ko naman gustong bitbitin lahat ng bigat eh. Wala naman akong maalalang ginusto kong saluhin lahat ng binabato sa akin. Gusto ko rin maging mahina — gusto ko rin maranasang bumagsak ang mga tuhod dahil sa sobrang pagluha. Gusto ko rin maging mahina at ipakita na umiiyak din ako.

Hindi ko naman piniling maging matapang — kaya bakit pinapamukha ng lahat sa akin na ganon ako. Pinilit akong maging matapang — pinilit akong matutong umiyak nang tahimik — pinilit akong ikimkim lahat ng sakit. Hindi ko rin alam bakit ako pinilit — ang alam ko lang ngayon… pagod na ako.

Pwede naman maging mahina diba? Pwede naman ko namang sabihing “Ma, Pa, pagod na po ako”

Pwede naman akong magsabi ng totoong nararamdaman ko diba? Pero hindi ko magawa. Kasi mas pinili kong umintindi kaysa intindihin, mas pinili kong itago kaysa ipakita. Kaya hindi ako matapang, mahina ako, mahina ako sa paningin ko.

Celeste
0 Followers

I know it's a better day when I'm able to put my feelings into words.