Astig ng spotify ko, kabisado na ako
Parang pagkabisa ko sayo
Mula sa mga gusto hanggang sa mga ayaw mo
Mula sa araw na una mong hinawakan ang kamay ko, hanggang sa marahang pagbitaw mo rito
Alam mo kasunod niyan yung huwag na huwag mong sasabihin
Kulang ba ako? Bakit hindi mo ko kayang gustuhin?
Alam ko namang hindi ko dapat ipilit
Hindi ko pwedeng ibigay sayo lahat, kasi alam kong masakit
Eh anong magagawa ko? Ako lang pala napana ni kupido
Nasaktan na ako sa parteng hindi pwedeng ako
Pero mas masakit palang sabihang “may ibang para sayo”
Hindi ba pwedeng ikaw na lang yung iba? Ikaw gusto ko
Ayos lang ako, kagaya ng sinabi ko nung bumitaw ako sa pagkakakapit
Oo, binitawan kita, kasi paanong bibitaw ang taong sumubok lang humawak pero hindi sumubok higpitan ang kapit?
Kaya pala tapik lang sa balikat ang natatanggap ko, kasi sa ibang balikat mo isasandal ang ulo mo
Pilit ko mang alisin sa utak ko, palagi ko pa ring naaalalang pinili mo ko kasi ako yung nandito.
-talo talaga kapag may hinihintay pa, hinihintay kita sa may kanto niyo, tapos may kasabay ka na palang iba. Una palang sana sinabi mo na para hindi ko sinanay ang sarili kong ihatid sundo ka.